Pahayag ng Boto
Rep. Lorenzo R.
Tañada III
4th
District, Quezon
Mr.
Speaker, bilang kasapi ng House Majority, ako po ay tuloy-tuloy na nanindigan
para sa prinsipyo at katotohanan higit sa personalidad at pampulitikang
partido. Naniniwala ako na ang proseso ng impeachment ay hindi kagyat na
paghuhusga ninuman bagkus, ito ay maaari rin gamitin upang patunayan na walang
ginawang kasalanan ang pangulo.
Mr.
Speaker,
Ayon sa
mayorya, malamig na bangkay na raw ang impeachment complaint nang dumating ito dito
sa Kongreso. At hindi kailanman daw ito pinatay ng House Committee on Justice.
Sa puntong ito, tama
ang mayorya.
Sapagkat
noon pa mang hindi pa nabubuo ang second impeachment complaint, nagbabala na
ang mga lider ng mayorya na hindi nila patatagalin ang pagproseso sa
impeachment complaints tulad nang nangyari noong nakaraang taon.
Sa katunayan, ilang
araw lamang ang ibinigay ng nasabing mayorya para sa buong proseso ng
impeachment. Last rites, ika nga na lamang ang kanilang iginawad para sa
itinuring nilang cadaver.
Ang impeachment daw ay
labanan ng numero. Hindi ito kailanman naging labanan ng tama o mali. At higit
sa lahat, hindi ito labanan ng prinsipyo.
Mr. Speaker,
Kaya naman hindi ito
usapin ng sufficiency in form and substance tulad ng ipinangangalandakan ng
maiingay at nagmamarunong sa mayorya ng Kongreso.
Sadya
nga bang dulot ng kapalpakan ng minorya ang pagkamatay ng impeachment? O
talaga lamang laro ito ng nakararaming bulag na tagasunod ng pangulo?
Mr.
Speaker,
Kahit
pa sapat ang porma at hitik sa sangkap ang sustansya ng complaint, there could
never, never, never be a meaningful discussion on the issues being brought before
in this August Body. Dahil sabi nga nila, this is a numbers game.
At
kahit sa gitna ng kaliwa’t kanang naghuhumiyaw na akusasyon sa ating
pangulo—mga akusasyon ng pandaraya, karahasan at korupsyon, ang sagot lamang dito
ng kongreso, it is really a numbers game . . .
Tatlong
isyu ang sana’y magandang talakayin at dapat sana’y sagutin na ng pangulo …
once and for all.
massive
election fraud, fertilizer scam at gross human rights violations.
Ngunit,
kahit pa sa gitna ng pag-amin sa kamalian at buong Pilipinas ang nakasaksi sa
kanyang . . . “I’m sorry . . .”
Kahit
pa sa pagkakahuli sa Amerika ni Joc Joc Bolante na sangkot sa fertilizer scam
at paghingi niya ng asylum,
Kahit
pa sa tumitinding pandarahas labanm sa mga kritiko ng administrasyon,
Ano nga
ba ang katotohanang sa likod nito? Ano ba talaga ang tutoo? The Filipino people
should know! They have all the right to know!
Pero
kahit hindi man nila aminin ito, ang tiyak ay sinayang ng administrasyong
Arroyo ang pagkakataon na lubusang sagutin ang mga ibinibintang sa kanya at
tuluyang linisin ang kanyang pangalan.
Mr.
Speaker,
Hangga’t
nasa balangkas ang kongresong ito na kami ay pro-impeachment at kayo naman ay
anti-impeachment …
Hangga’t
ang usapin ay umiinog sa grasya na nagmumula sa bulag na paniniwala sa pangulo
…
Hangga’t
nasa balangkas ang adminitrasyong ito na durugin, sa kahit papaanong paraan ang
impeachment …
Wala na
talagang maaaring asahang katotohanan ang mamamayan sa Kongresong ito. Bagama’t
nakakadismaya, ito ang katotohanan sa loob ng tinaguriang August Chamber.
Mr.
Speaker, sayang at ito ang iiwan na legacy ng mayorya ng kongresong ito.
Ang
tanong ng taumbayan ngayon ay: nasagot na ba ang mga paratang sa ating pangulo?
Nahanap na ba talaga natin ang katotohanan para tumahimik ng mamamayan at
maaari na tayong mag-“move on” ayon sa ating pangulo.
One
thing for sure . . . ang mga ginagawa ngayon ng so-called majority ni Arroyo ay
naggagarantiya na mananatili sa kaisipan ng taumbayan at maitatala sa
kasaysayan na MAY INIIWASAN, MAY PINAGTATAKPAN at MAY ITINATAGO sa taumbayan ang gobyernong
ito.
Mr.
Speaker, I vote NO to the Committee Report