PRESS RELEASE
MGA KONGRESISTA NG QUEZON,
NILINAW ANG MGA BATAYAN SA PAGBUBUO NG ISA
PANG LALAWIGAN
Buong pagkakaisang
ipinahayag ng apat na pangunahing may-akda ng House Bill 2862- Tanada,
Karaniwang
binubuo ng dalawampung (20) munisipalidad ang isang probinsya. Ang Quezon ay mayroong
apatnapu (40) munisipalidad
at isang lunsod. Itinuturing itong pinakamahabang lalawigan sa
ating bansa. Ilan sa mga munisipalidad nito ay nasa isla
at mayroon din namang malalayo sa aplaya.
May nasa matataas
na lupa na
halos bulubundukin na. Sa tutoo lang, hindi
sasapat ang isang linggo upang
libutin ang buong probinsya, paglalarawan ni Suarez ng ika-3 distrito.
Kahit pa gaano katapat at kahusay na tagapamahala
ang isang gobernador, mahihirapan
siyang pangasiwaan ang malaking probinsiya
ng Quezon na may magkakaibang munisipalidad. Kapag nabuo na
ang isa pang probinsya at makapagpuwesto tayo ng mga
tamang insentibo, papasok rin ang
mga negosyo sa ika-3 at ika-4 na distrito, ani ni
Huwag natin isipin na ang
hakbang na ito ay mapanghati. Ang makita ang pag-unlad ng buong
probinsya ay isang malaking dahilan upang tayo ay magkaisa.
Hindi maiaalis na
tayoy tunay pa ring mamamayan ng Quezon. Sa ganitong kaayusan, mas nailalapit natin ang pamahalaan
sa mamamayan at may madulas na pamamaraan
ang mamamayan upang ating singilin
ang kanilang pananagutan. Ito ang tunay na
diwa ng pag-unlad. Ito ang hangarin ng panukalang
batas na ito, diin ni Tanada, kinatawan ng ika-4 na distrito ng
Quezon.